Ipinagtanggol ni dating Oro Chamber Economic Development Committee member Ray Talimio Jr. ang pagbili ng lupa para sa bagong Government Complex sa Upper Carmen.

Nilinaw ng opisyal na malaki itong makatitipid sa pondo ng lungsod ng Cagayan de Oro habang mababa pa ang presyo ng lupain.

Nagbabala rin si Talimio na kung hihintayin pang mapaunlad ang lugar, mas tataas ang presyo at hindi na ito kayang bilhin ng pamahalaan.

Kaugnay nito, iginiit ng lider na magbibigay din ng daan ang proyekto upang mabuksan at mapalawak ang mga kalsada sa naturang lugar.