“We deserve better!” ang sigaw ng ACT sa pagbisita ni DepEd Sec. Sonny Angara sa Cagayan de Oro.
Ayon kay Chairperson Ruby Bernardo, walang saysay ang raffle at discount na inialok ng DepEd para sa mga guro.
Giit niya, ang tunay na kailangan ay dagdag sahod at benepisyo upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Binanggit din niya na maraming guro ang napipilitang magtrabaho abroad dahil sa mababang kita sa bansa.
Dahil dito, inanunsyo ng ACT na magsasagawa sila ng buwanang protesta upang ipanawagan ang tunay na reporma sa sektor ng edukasyon.
Dagdag pa ni Bernardo, ang pagkilos ay magsisilbing paalala sa pamahalaan na hindi dapat balewalain ang kapakanan ng mga guro.











