Malinaw na paglabag sa probisyon ng Konstitusyon ang isinagawang pagdaragdag at pagbabago ng Kamara at Senado sa national budget mula 2024 hanggang 2026.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay United People’s Initiative President Atty. Virgilio Reyes Garcia, ibinunyag nito na binastos ng mga mambabatas ang batas matapos dagdagan ang pondong isinumite ng Pangulo.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ng abogado na ang tanging karapatan lamang ng mga senador at kinatawan ay ang pagbabawas ng badyet at hindi ang pagdaragdag sa kabuuang pondo ng bansa.
Dahil dito, umaasa ang grupo na aksyunan ng Kataas-taasang Hukuman ang naturang sinasabing ilegal na pagbabago sa pondo ng publiko.











