CAGAYAN DE ORO CITY-Iginiit ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na wala ng ni-isa ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa lungsod.

Itoy base sa kanyang naging salaysay sa isinagawang press briefing kaninang umaga.

Sinabi naman ni City Health Office head Dra Lorraine Nery na kung maari ay huwag munang gawin ang pagdeklara na COVID-free maging sa barangay level.

Aniya, kailangan umanong hintayin muna ang desisyon sa mga tamang ahensya kagaya ng Department of Health (DOH) bago gawin ang naturang deklarasyon.