Ikinalugod ng ekonomista at Former Vice Governor ng Misamis Oriental na si Joey Pelaez ang pagdomina ng Democratic Party sa katatapos lamang na US Midterm Elections.
binunyag ni Pelaez na malaki at mabilis ang naging epekto ng naturang resulta sa merkado sa pamamagitan ng pag-taas ng market optimism o pag-angat ng tiwala sa pananalapi at negosyo sa mundo, kabilang na ang Pilipinas.
Sinabi ng dating opisyal na ang pagbabago sa lehislatura ng Estados Unidos ay posibleng magbigay ng balanse sa pamamahala at makapagpapatigil sa mga nagpapatuloy na kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo na kaniadtoy naapektuhan ng mga polisiya ng lumang administrasyon ng US.
Dahil dito, pinanindigan ni Pelaez na magandang oportunidad para sa ekonomiya ng bansa ang naturang pag-unlad dahil sa pagbabalik ng linaw sa merkado at pagdating ng mga mamumuhunan sa pangako ng bagong liderato.










