Ikinansela na at lubos na itutuon ng COMELEC ang kanilang pondo at preparasyon para sa muling paglilipat ng eleksyon patungong taong 2028.
Ibinunyag ni COMELEC Misamis Oriental Provincial Election Supervisor Atty. Carlito Ravelo na dahil sa pag-sang-ayon ng Korte Suprema sa pagbabago ng termino ng Kongreso, awtomatikong nabago ang buong iskedyul ng BSKE.
Dahil sa naturang desisyon, mananatili sa kanilang pwesto ang mga nakaupong opisyal ng barangay at SK habang naghihintay sa itinakdang taon ng eleksyon.
Nagbabala rin si Ravelo na magpapatuloy ang Comelec sa pag-a-adjust ng kanilang mga regulasyon upang tumugma sa inilabas na pinal na hatol ng korte.









