Walang nakitang silbi ang isang geopolitical analyst sa patuloy na pakikipag-alyado ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos mabigo si US President Donald Trump sa pagbibigay ng pabor sa ekonomiya ng bansa sa kanyang pagbisita.
Binatikos ni Geopolitical Analyst Herman Tiu Laurel ang kawalan ng banggit ni Trump sa pag-aalis ng 12.5 porsyentong taripa na ipinataw ng Amerika sa mahigit 35 porsyentong mga produkto na inilalabas ng Pilipinas.
Binigyang-diin ni Laurel na lubog na sa utang ang bansa at kulelat na sa buong Southeast Asia ngunit wala pa ring iniaalok na konkretong tulong ang naturang bansa upang mailigtas ang nahihirapang negosyo ng mga Pilipino.
Naniniwala ang analista na nagmamakaawa at nalugi lamang ang Pilipinas sa pagpapailalim nito sa impluwensya ng mga Amerikano.











