May malaking tsansa na makaligtas si Bise Presidente Sara Duterte sa impeachment trial dahil sa pagtatanggol ng mga senador sa kanilang pampolitikang kinabukasan at ng mga re-electionist. Ipinahayag ni United People’s Initiative Secretary General Capt. Rey Valeros Jr.
na pinaghahandaan na ng administrasyon ang pagsampa ng iba pang mga kaso kung sakaling hindi magtagumpay ang kumpirmasyon ng hatol sa Senado.
Dagdag pa ng opisyal, layunin ng naturang pagsisikap na matanggal sa pwesto ang Bise Presidente bago isulong ang pagpapalit ng Konstitusyon para sa term extension ng mga nakaupong lider.
Kaya naman nanawagan ang grupo sa mamamayan na maging alerto at labanan ang anumang panggigipit at pag-abuso sa batas para sa pampolitikang interes.











