CAGAYAN DE ORO CITY – Maghahtatid ng tuluyang pagbagsak ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army -National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang pagkamatay ng isa sa natitirang most senior officers ng kilusan sa Sitio Gabunan,Barangay Dumalaguing,Impasug-ong,Bukidnon.
Ito ay matapos inagahan ng military joint units ang kanilang operasyon na pasukin ang pinagkutaan ng mga rebelde dahilan na napatay si National Democratic Front Mindanao spokesperson Jorge Madlos alyas Ka Oris kasama ang kanyang babae na medical aide ng hindi naidepensa ang kanilang mga sarili noong nakaraang Oktubre 30 ng Sabado.
Sa pagharap ni 4th ID commander Maj Gen Romeo Brawner Jr,inilahad nito na nakipagpalitan pa umano ng mga putok ang puwersa ni Ka Oris subalit hindi nanaig dahil sa aerial at ground assaults ng 403rd Infantry Brigade at Philippine Air Force epekto na tinamaan ang dalawa hanggang sa namatay.
Sinabi ni Brawner na ang pagkamatay ni Ka Oris na aktibo ng kanyang kontra gobyernong kilusan simula dekada 70 sa Caraga Region ay hudyat na matitigil na ang kanilang panggugulo sa rehiyon ng Mindanao.
Ang 72 anyos na si Ka Oris na taga- General Luna,Surigao del Norte ay kasalukuyang mayroong patong sa ulo na 7.8 milyon dahil sa mga kasong multiple murder,homicide,kidnapping,arson at destruction of property sa magkaibang korte sa bansa.
Dagdag ng heneral na hindi agad ibinaba ang bangkay ni Ka Oris sa encounter site habang hindi pa lumalabas ang RP-PCR test para masiguro na hindi mahawa ang mga sundalo kung sakali na positibo ito sa COVID-19.
Magugunitang unang lumutang ang mga haka-haka na baka nag-imbento lang ang gobyerno ng kuwento ukol kay Ka Oris subalit nakapagkita sila ng ilang larawan na kinunan nga ng anti-COVID-19 test.
Kung maalala,naging venue rin ng ilang beses ang mikropono ng Bombo Radyo Butuan at CdeO sa mga pagde-debate noon nina Madlos at ilang mga tagapagsalita ng 4th ID,Philippine Army ukol sa usaping panlipunan.