(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring na pagkamtan hustisya para sa maraming bombing incident victims sa loob ng Mindanao State University -Marawi main campus ang pagkapaslang ng militar sa halos 10 miyembro ng suspected Dawlah Islamiyah -Maute terrorists sa Barangay Tapurog, Piagapo,Lanao del Sur.
Pahayag ito ni Army Maj. Andrew Linao,acting spokesperson ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command kasunod ng kanilang kompirmasyon na kabilang sina Kadhafi Mimbesa alyas Engineer at Arsani Membisa alyas Wahab Macabayao sa nasawi sa nangyaring operasyon sa lugar.
Sinabi ni Linao na patuloy pa na inaalam ng kanilang tropa kasama ang pulisya kung mayroong napasama na mataas ang katungkulan ng mga terorista ang nasawi sa kasagsagan ng mahigit kumulang dalawang oras na engkuwentro.
Bagamat inisyal nang natukoy ang ilang mga nasawi subalit karamihan ay mga alyases pa lamang.
Una nang kinompirma rin ng militar na apat sa mga kasamahan mula 103rd IB,Philippine Army ang sugatan sa ikinasa na operasyon laban sa mga kalaban.
Kung maalala,bago nangyari ang MSU-Marawi bombing noong Disyembre 3,mayroong napatay na ang militar na top commanders ng mga terorista sa mismong parehong bayan ng Piagapo na pinangyarihan din ng engkuwentro nitong linggo.