CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring na malaking dagok sa natitirang mga tauhan ng Fajardo Criminal Gang ang tuluyang pagka-neutralize ng pulisya at militar sa tumatayong pinuno nito na si Marvin Fajardo na nagmula sa Brgy Suplang,Tanauan City,Batangas.
Ito ay matapos napatay ng umano’y nanlaban ang grupo ni Fajardo habang isinilbi ang warrant of arrest mula kay 4th Judicial Region MCTC Presiding Judge Michelle Manaig-Calumpong dahil sa kasong direct assault sa bagong bahay nito sa Block 12 ,Lot 25,Portico II,Grand Europa,Brgy Lumbia,Cagayan de Oro City noong gabi ng Oktubre 3.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Cagayan de Oro City Police Office spokesperson Maj Evan Viñas na kilabot na grupo ang pinamunuan ni Fajardo kaya mismo ang special forces ng PNP at katuwang ang mga sundalo mula 4th ID,Philippine Army ang nagsanib puwersa upang kunin ito sa pinagtaguan na bahay.
Inihayag ni Viñas na isinilbi lamang ng government forces ang kautusan ng korte subalit pinaulanan umano sila ng mga bala kaya nangyari ang ilang minuto na palitan ng putok.
Nagtamo ng maraming tama ng mga bala si Fajardo at ang dalawa nitong kasamahan kaya mabilis isinugod sa pagamutan subalit kapwa ideneklara na mga patay na.
Kung maalala,kaliwat-kanan ang kisangkutan na high profile crimes sa grupo ni Fajardo na kinabilangan ng robbery extortion,gun for fire at illegal drugs na kadalasan nangyari sa Laguna,Batangas at maging sa National Capital Region.
Sa ngayon,hawak rin ng mga otoridad ang magkapatid na Irish at Rachel Manaig na taga- Calamba,Laguna kung saan isa sa mga ito ay kasinatahan ni Fajardo.