CAGAYAN DE ORO CITY – Pino-politika umano ni Vice President Leni Robredo ang isyu ng illegal drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya tuluyang sinibak bilang co-chairperson sa Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ito ang nakikita ng political analyst na si Ramon Casiple na ilan sa dynamics kung bakit tuluyang nagkabanggaan ang direksyon ni Duterte at Robredo sa usapin ng anti-drugs war ng gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Casiple na hindi na ito nagulat pa kung bakit sinibak ni Duterte ang bise-presidente dahil magkakaiba ang pananaw nila sa kontrobersyal na usapin ng bansa.
Umaasa pa sana si Casiple na mag-uusap pa ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa upang magkaliwanagan sa mga lumalabas na usapin partikular sa isyu ng ilegal droga.
Dagdag nito na tila nagagamit ni Robredo sa isyung politika ang ipina-trabaho sa kanya kaya nawalan si Duterte ng tiwala at napag-desisyonan na alisin na lamang sa katungkulan.