Itinuring ni MASADA National Convenor for Education at ekonomista Joey Pelaez na isang malaking paninira at smear campaign ang pagpapakita sa publiko ng personal na bank transactions ng mag-asawang Duterte sa impeachment trial.
Ayon sa opisyal, nagbigay ito ng maling imahe at mind-conditioning sa publiko dahil sa kabuuang inflows at outflows mula pa noong 2007.
Nilinaw pa na ito ay nagpapakita rin ng pagkukunwari ng ilang mambabatas na mas malaki pa ang net worth at unexplained wealth kaysa sa ibang senador at kongresista.
Dagdag pa, ang tunay na layunin ng hakbang ay malinaw na pagpapahiya at pagpigil sa Bise Presidente sa posibleng pagtakbo sa 2028 elections.











