Itinuturing ni dating Oro Chamber Economic Development Committee member Ray Talimio Jr. na normal at bahagi ng demokrasya ang inilabas na pagtutol ng ilang konsehal laban sa planong 8.5 bilyong pisong loan para sa bagong Government Complex.
Batay sa pahayag ng opisyal, ang pangunahing papel ng minorya ay ang makinig at magsagawa ng fiscalization, ngunit hindi ito pwedeng magpalambot sa mga magagandang plano ng lungsod.
Nilinaw rin ni Talimio na hindi basta-basta o “suntok sa buwan” ang pag-utang dahil dadaan ito sa masusing feasibility study at mga pamantayan mula sa BLGF at mga bangko tulad ng Landbank.
Dahil dito, tiniyak ng dating lider na angkop at naaayon sa tamang alituntunin ng batas ang lahat ng hakbang na ginagawa ngayon ng pamahalaan.











