CTTO

CAGAYAN DE ORO CITY – Lumakas pa ang panawagan ng ilang mga kongresista na kusang magbitiw na lamang sa katungkulan si Police Chief Director General Oscar Albayalde.

Ito ay kasunod sa ginawa na expose ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) head retired Police General Benjamin Magalong na nasangkot si Albayalde sa drug recycling kasama ang kanyang mga tauhan habang provincial director pa sa Pampanga-PNP taong 2014.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Cagayan de Oro 2nd District Rep.Rufus Rodriguez na napapanahon ang gagawing pag-resign ni Albayalde lalo pa’t umani ng husto ng kritisismo ang PNP dahil sa kinaharap na akusasyon.

Inihayag ni Rodriguez na kailangang magtalaga ang Pangulong Rodrigo Duterte ng isang pinuno ng PNP na walang bahid ng drugs issue lalo pa’t isa ito sa kanyang mga programa para taong-bayan.

Ginawa ng kongresista ang panawagan kasunod ng ilang kasamahan na naghain ng resolusyon upang pormal na hingiin kay Albayalde ang pagbitiw sa puwesto.

Subalit ayon naman ni Police Regional Office -10 spokesperson Lt Col Mardi Hortillosa na ginagalang nila ang hakbang na ginawa ng Kamara.

Si Cong Rufus Rodriguez

Bagamat humingi rin ito nang pag-uunawa mula sa mga mambabatas na sana ay galangin rin nila si Albayalde lalo pa’t hindi pa napatunayan ang akusasyon at iniimbestigahan pa Kongreso.