CAGAYAN DE ORO CITY – Ilalabas na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang ‘oratio imperata’ para sa ikakatahimik at ikare-resolba ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea dispute sa susunod na linggo.
Kaugnay ito sa mas tumitinding geo-political issue kung saan nalagay ng dehado ang katuyuan ng Pilipinas kahit pasok sa exclusive economic zone ang mga isla na harap-harapan na inangkin ng China gamit ang malabis na puwersa.
Sinabi ni CBCP President at Caloocan City Archbishop Pablo David,D.D na kasalukuyan ng tinatrabaho ang ‘intended prayer’ sa usapin kung saan isasapubliko nila ito sa mismong kapistahan ni Saint James sa Hulyo 25.
Tatagal ang panalanging ito sa bibigkasin sa mga simbahan hanggang Enero 1 na mismong Solemnity of the Mother of God na kinilala na World Day of Peace.
Inihayag ni David na hindi lang paninindigan ang ginawa ng taga-simbahan bagkus ay idinaan nila ng matainim na pagdarasal na kusang huhupa ang patuloy na paggamit ng dahas ng heganting bansa mapasakamay lamang ang mismong bahagi ng Pilipinas.