Binatikos ni Jessica Reyes-Cantos, Co-Convenor ng Social Watch Philippines at Presidente ng Action for Economic Reforms, ang kawalan ng pondo at programa ng gobyerno laban sa El Niño.

Kinondena umano ng pangkat na mas inuna pa ng gobyerno ang suplay ng tubig sa Metro Manila kaysa sa irigasyon ng mga magsasaka.

Dagdag pa ng eksperto, imbes na asikasuhin ang pag-unlad ng bansa, mas naging malinaw ang paglalaan ng pondo para sa mga politikong naghahanda sa eleksyon.

Dahil dito, nanawagan ang naturang samahan sa paglilipat ng atensyon at badyet patungo sa batayang pangangailangan ng sektor ng agrikultura.