Hinimok ng Bureau of Fire Protection ang mga residente at biktima ng malaking sunog sa Sta. Cruz 2, Barangay Lapasan na maglabas at maghain ng karagdagang ebidensya upang mapalakas ang kaso laban sa itinuturong suspek.
Ayon kay CDO Fire District Investigator FO2 Kyle Nichol Reyes, patuloy ang kanilang koordinasyon sa Philippine National Police at prosecution team para sa pagsasaayos ng pormal na kaso.
Dagdag pa ng opisyal, kahit na iniimbestigahan na ng kapulisan ang suspek at may hawak nang ilang testigo, mas kailangan ang karagdagang testimonya mula sa mga nakakita upang mas mabigat ang parusa laban sa gumawa ng naturang kasalanan.
Sa ngayon, pinalaya muna ang suspek batay sa legal na proseso ngunit nananatili ito sa ilalim ng mahigpit na pagsubaybay ng kapulisan habang hinihintay ang preliminary investigation.











