CAGAYAN DE ORO CITY-Nilinaw ngayon ng mga otoridad na hindi ang learning module ang nakapag-udyok sa isang kolehiyala na kitilin ang kanyang buhay sa Purok-3A Brgy Gusa nitong lungsod.

Sinabi ni Police Chief Master Sgt Ronnie Donasco ng Agora Police Station, labis na dinamdam ng biktimang si Mystica Arnosa, 19, ang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend kaya’t naisipang tapusin ang buhay.

Itinali ng biktima ang sintas ng sapatos sa kanyang leeg.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit bigo ng maisalba ang kanyang buhay.