Nagbabala ang Save Bangsamoro Movement sa Malacañang na magdadala ng malaking kaguluhan sa kapayapaan sa Mindanao ang pagmamadali at pagpapakialam sa pagpili ng susunod na Chief Minister ng BARMM.
Nilinaw ni Save Bangsamoro Movement Convenor Datu Tokz Bin Abdurrahman na sa pamamagitan ng isang liham, hiniling ng pangkat kay Presidente Ferdinand Marcos Jr. na igalang ang kasunduan sa kapayapaan at suportahan si MILF Chairman at Bangsamoro Parliament Member-elect Al-Hadj Murad Ebrahim para sa pagbuo ng koalisyon sa parlamento.
Nilinaw ng opisyal na napatunayang nabigo ang nakaraang pagpapakialam ng gobyerno dahil humantong ito sa pagpapatigil sa pagsusuko ng 14 libong armas ng mga kasapi ng MILF.
Dagdag pa ni Abdulrahman, kinakailangang sundin ang tamang pamamaraan at huwag laktawan ang mga namumuno upang hindi masayang ang pagsisikap para sa kapayapaan sa rehiyon.









