Nakikita ni Mayor Rolando “Klarex” Uy na isang hakbang sa pagpapalawak ng libreng edukasyon ang planong paglipat ng City Hall patungong Uptown Carmen sa pamamagitan ng paggawa sa mababakanteng lumang gusali ng City Hall bilang ikalawang kampus ng City College.

Ayon sa lider ng lungsod, ang harapan ng lumang pasilidad ay gagawing museo habang ang likurang bahagi naman ay ilalaan para sa mga silid-aralan at pasilidad ng mga estudyante.

Ayon kay Uy, magpapatuloy pa rin ang kasalukuyang kampus sa Barangay Agusan upang magkaroon ng prayoridad ang mga kabataan sa silangang bahagi ng lungsod na makapag-aral

. Kaya naman nagpasalamat ang opisyal sa suporta ng konseho ng lungsod sa pagtugon sa pangarap na maipagkaloob ang mas malawak na oportunidad sa pag-aaral para sa mga susunod na henerasyon.