Nagbabala ang pangkat ng Youth Against Pax Silica sa publiko laban sa posibleng pagpapalayas sa mga katutubong komunidad at pagkawala ng kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa proyektong Pax Silica.

Ipinahayag ni Coordinator Heroine Marish Fernandez na kahit pa man sa ipinangako ng gobyerno na mahigit 130 libong trabaho, malaki ang posibilidad na palitan lamang ng artificial intelligence ang trabaho ng mga tao.

Dugtong ni Fernandez na bukod sa pagkasira ng kalikasan, ang malakas na ingay at frequency mula sa mga artificial intelligence data center ay makasisira sa kalusugan ng tao at papatay sa mga hayop sa paligid.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa taumbayan na suriin nang mabuti ang totoong epekto ng mga proyektong sinasabing magdadala ng dayuhang puhunan sa bansa.