Patuloy ang pagtutol at pakikipaglaban ng Mindanao Power Consumers Federation laban sa plano na ipagkaloob ang pagpapanatili at pagpapaayos ng Agus-Pulangi Hydroelectric Complex sa mga pribadong kompanyang San Miguel Global at Santa Clara International.
Ipinaliwanag ni Dr. Melchie Ambalong, Chairperson ng naturang samahan, na ginamit na nila ang Executive Order Number 02 o ang alituntunin sa Freedom of Information upang manghingi ng paglilinaw sa mga patakaran ng isinagawang bidding mula sa Public-Private Partnership Center at sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.
Subalit ibinunyag ng opisyal na tumanggi ang mga naturang ahensya sa pagbibigay ng kumpletong datos, kaya nagpadala na muli ng opisyal na liham ang kanilang kaalyadong abogado sa Zaragoza Law Office upang suriin ang naturang kontrata.











