Nagkaisa sa kanilang panawagan ang grupong Samahan ng Progresibong Kabataan na kinakailangang mahatulan na si Bise Presidente Sara Duterte sa gitna ng maraming dokumento at testigong iniharap sa impeachment court.

Ipinahayag ng kinatawan ng grupo na si Milo Basuel na ang mga ipinakitang ebidensya ay nagpapatunay sa paglabag sa batas at pag-abuso sa posisyon ng bise presidente.

Ipinaliwanag din ng batang lider na ang pagbibigay ng parusa kay Duterte ay magsisilbing pintuan upang maabot at mapanagot din ang iba pang opisyal ng gobyerno na may katiwalian.

Dagdag pa rito, iginiit ng grupo na kinakailangang ipagpatuloy ang paghahanap ng katarungan hanggang sa mga senador, kongresista, at pangulo upang malinis ang buong sistema ng bansa.