Ipinahayag ni Iglesia Filipina Independiente Opol Parish Priest Father Jong Abejo na kinakailangang seryosohin ng gobyerno ang pagpapatigil sa mga ilegal na pagmimina na nagtatago lamang sa permit ng quarrying.

Nasundan ito matapos ireyd ng kepulisan at Mines and Geosciences Bureau ang isang minahan sa Barangay Tuburan, Cagayan de Oro noong Biyernes kung saan halos apatnapu’t limang milyong piso na halaga ng kagamitan ang nakumpiska.

Ipinaliwanag ng pari na kahit pa man sinasabing kabuhayan ito ng ilan, mas malaki ang pinsala at peligro ng pagguho ng lupa na idudulot nito sa komunidad.

Kaya naman paalala ng lider ng simbahan na tungkulin ng mamamayan at ng pamahalaan ang pagprotekta sa kalikasan para sa susunod na henerasyon.