Ipinagpilitan ni private lawyer Attorney Adonis Gumahad na hindi maaga o naapektuhan ng panahon ang pagdadala agad ng petisyon sa Korte Suprema laban sa pagpapababa ng voting threshold sa impeachment.

Ayon kay Gumahad, tama at mas maganda ang hakbang ng mga petitioner na habang maaga pa ay dinala na ito sa Korte Suprema upang maiwasang mawalan ng kabuluhan ang mga legal na isyu kapag natapos na ang botohan.

Dagdag pa ng abogado, paborable ang paraang ito dahil kung sakaling magkaroon ng hatol o conviction sa mga susunod na araw, mas mahihirapan nang kuestiyunin ang legal na batayan ng boto.

Gayunpaman, nilinaw ng eksperto na ang Korte Suprema lamang ang huling makapagsasabi at makapagdedesisyon kung masyado pang maaga o nasa tamang panahon na ang pagdulog ng grupo.