CAGAYAN DE ORO CITY – Paglilihis lamang ng international attention ukol sa kinaharap na impeachment trial na kinaharap ni United States President Donald Trump ang tahasang pagpaslang kay Iranian military commander Gen. Qassem Soleimani sa Iraq noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng Pinay worker na si Elena Diva na nakapagpangasawa ng retired Iranian soldier na nakatira sa Kashan City na hindi umano totoo ang akusasyon ni Trump na nasangkot sa kilusang terorismo si Qassem.
Inihayag ni Diva naniniwala ang ilan sa Iranians na pilit lamang pagtakpan ni Trump ang nakaambang trial proper ng US Senate sa kanyang kinaharap na impeachment case.
Naniniwala rin ang ilan sa mga taga-Iran na pangpapabango sa pangalan ni Trump sa Amerika ang kontrobersyal na desisyon nito na paslangin si Qassem para sa re-election nito sa US presidential elections nitong taon.
Kung maalala,iginiit ng Iran na bayani at magiting na military official si Soleimani dahil marami itong napatay na mga kasapi ng teroristang ISIS at al-Qaeda sa Middle East sa mga nagdaan na mga taon.