Pinapaharangan ng samahang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang pagpirma sa 2027 national budget dahil sa dami ng inilagay na mga pork barrel at kontrobersyal na pondo.
Ipinaliwanag ni Mimi Doringo, Secretary General ng Kadamay, na walang pagbabago sa naturang badyet at tiyak na gagamitin lamang ito ng mga tiwaling opisyal para sa pagpopondo sa kanilang paghahanda sa 2028 election at pagbili ng boto ng mamamayan.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa publiko na maging masigasig sa pagsusuri at labanan ang patuloy na pag-abuso sa pera ng taumbayan.











