Nagbigay payo ang lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro na mag-ingat ang publiko laban sa epekto ng haze.

Hinimok ni Acting City Information Officer Jade Adesser ang mga residente na magsuot ng N95 face mask at limitahan ang mga aktibidad sa labas upang makaiwas sa panganib sa kalusugan.

Ipinaliwanag niya na nangangailangan ng dagdag na pag-iingat ang kasalukuyang kalidad ng hangin sa lungsod. Binanggit niyang mas dapat mag-ingat ang mga may sensitibong kalagayan.

Pinayuhan ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa puso at baga na manatili muna sa loob ng bahay.

Dagdag pa niya, ang pagsunod sa mga payo ay makakatulong upang maiwasan ang komplikasyon sa kalusugan.

Iginiit ng City Hall na ang kooperasyon ng publiko ay susi sa kaligtasan ng komunidad.

Binigyang-diin ni Adesser na ang paggamit ng mask at pag-iwas sa haze ay mahalagang hakbang para sa kalusugan ng lahat.