Isinisi ng August Twenty-One Movement ang administrasyon ni United States President Donald Trump sa matinding pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na umabot na sa 100 piso bawat litro dito sa bansa.
Mahigpit na ipinahayag ng lider ng grupo na si Volt Bohol na ang digmaan sa Middle East na sinimulan ng lider ng Amerika ang direktang dahilan ng biglaang pagmamahal ng gasolina at krudo na nagpalala sa hirap ng taumbayan.
Itinuro ni Bohol na sa unang pagkakataon sa kasaysayan, nahirapan na ang mga gasolinahan sa paglalagay ng presyo dahil tatlong numero na ang halaga nito imbes na dalawa lamang.
Ayon sa grupo, malinaw na naapektuhan ang kabuhayan ng bawat Pilipino dahil sa mga hakbang ng dayuhang lider kaya hindi talaga ito welcome sa Pilipinas.









