CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagalak ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament ang ginawa na pagtalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front founder Nur Misuari bilang Philippine’s special economic envoy to the Organization of Islamic Cooperation (OIC).
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni BTA Parliament member Zia Alonto Adiong na isang malaking ‘positive development’ para sa kanila ang hakbang na pinasok ng gobyerno para kay Misuari.
Inihayag nito na malaki ang maitututulong ni Misuari lalo pa’g maraming mga personalidad sa OIC ang nakakakilala kay Misuari at malawak rin ang mga koneksyon nito sa Gitnang Silangan.
Bagamat wala pang opisyal na pahayag na nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ukol sa katungkulan ni Misuari subalit nakakasiguro naman na mainit nitong tatanggapin ng mga miyembro.
Kung malaala,marami sa mga nasa BTA ay nagmula sa hanay ng MNLF na matagal na panahon na pinamunuan ni Misuari hanggang maihalal ito bilang gobernador sa ARMM.