Hindi pa inirekomenda ng CAFITADA ang pagtataas muli sa araw-araw na upa sa mga unit ng taxi sa gitna ng naganap na rollback sa presyo ng petrolyo.

Sinabi ni CAFITADA President Bernie Jamaca na kahit pa man sa hiling ng ilang operator na ibalik sa ₱1,100 mula sa ₱1,000 ang upa, nananatiling pangamba ng ilan ang pagiging vulnerable o madaling magbago-bago ng presyo ng langis sa merkado sa kasalukuyan.

Sinabi ni Jamaca na baka pansamantala lamang ang naturang pagbaba at muling tumaas na naman ang presyo sa mga susunod na linggo.

Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa mga operator na mag-ingat at huwag munang magmadali sa pag-adjust ng rental rates upang hindi rin magdusa ang mga drayber sa nagpapatuloy na kawalang-katatagan sa ekonomiya.