Muling nanawagan ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) para sa agarang nasyonalisasyon ng industriya ng langis sa gitna ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Umaapela si KADAMAY Secretary General Mimi Doringo sa gobyerno na alisin ang Value Added Tax (VAT) at excise tax upang ma-rollback ang presyo patungong 55 pesos bawat litro para sa karagdagang kita ng mga tsuper.

Ipinahayag ng opisyal na habang nagdurusa ang publiko, umaabot sa 544 milyong piso bawat araw ang nakokolekta ng gobyerno mula sa buhis at kumita pa ng 3.8 bilyong piso ang Petron sa loob ng anim na buwan.

Dahil dito, nilinaw ng organisasyon na nararapat lamang na ang mga malalaking negosyante naman ang magsakripisyo at hindi ang mga ordinaryong mamamayan na gipit na sa pang-araw-araw na krisis.