Binatikos ng League of Filipino Students ang hakbang ng gobyerno na pagtatakip sa mga tirahan ng mga mahihirap o urban poor sa pagsasagawa ng ASEAN Summit dito sa bansa.
Ayon kay League of Filipino Students National Vice Chairperson Summer Libelle Espiritu, malinaw na ikinahihiya ng kasalukuyang administrasyon ang totoong kalagayan ng kahirapan na hindi nito nalutas.
Ipinaliwanag ni Espiritu na nais lamang itago ng gobyerno sa mga lider ng mundo ang kabiguan nito sa pagtugon sa iba’t ibang suliranin ng bansa.
Dugtong ng lider ng kabataan na sa kabila ng maraming yaman ng Pilipinas, nananatili pa ring nagdurusa sa hirap ang karamihan sa mga Pilipino.











