Napakahalaga at magdudulot ng malaking pagbabago sa public accountability ang nakatakdang pagtestigo ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Atty. Ronel Buenaventura ngayong Lunes sa impeachment court.
Ito ang pananaw ni Xavier University Law Professor at dating Cagayan de Oro City Mayor Atty. Oscar Moreno kung saan ipinalwanag ng abogado na nakabase sa kasunduan sa Geneva noong 1988 ang batas laban sa money laundering.
Dahil sa inilabas na suspicious transaction reports, itinuro ng legal expert na magiging kontrobersyal ang paglilitis at posibleng idulog ng depensa sa Korte Suprema.
Dagdag pa rito, umaasa ang dating alkalde na ang kinakaharap na isyung ito ay magsilbing paalala at makapagpagising sa mamamayan upang matuldukan ang korapsyon sa pamahalaan.











