Hiling ng grupong Bagong Alyansang Makabayan sa Kongreso at Senado na ibigay sa direktang serbisyo publiko ang pondo mula sa buwis ng mamamayan ngayong budget season.

Batay sa pahayag ng miyembro ng grupo na si Rauf Sissay, kinakailangang ilagay sa mga pampublikong paaralan, mga ospital, at mga pasilidad ng kalusugan ang pondo imbes na itapon sa mga conduit na politiko.

Nilinaw rin nito na malaki ang pangangailangan sa pagdaragdag ng mga silid-aralan, pagtaas ng suweldo ng mga guro, at pagpapalakas ng PhilHealth coverage para sa mga mahihirap.

Dahil dito, hinimok ng grupo ang pamahalaan na pondohan ang mga batayang serbisyo na direktang makatutulong at makapagpapaunlad sa pamumuhay ng bawat pamilya.