Inilarawan ni Masa Sara Duterte Alliance National Convenor for Education Joey Pelaez na purong kasinungalingan ang pahayag ni PCO Undersecretary Claire Castro na porsyon lamang ng 2024 at 2025 National Budget ang unconstitutional.
Ibinunyag ni Pelaez na batayan ng Korte Suprema ang pagbasura sa buong pondo sa mga naturang taon dahil sa pagsobra nito sa inilaan sa National Expenditure Program ng Presidente.
Ipinaliwanag ng opisyal na lumagpas ng 449 billion pesos noong 2024 at 517.99 billion pesos noong 2025 ang inilabas ng Kongreso sa pamamagitan ng Bicameral Conference Committee na lumabag sa Saligang Batas.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa taumbayan na huwag magpaloko sa pahayag ng Malacañang at ipinaalala sa gobyerno na sundin ang tamang alituntunin sa pondo ng bansa.











