Ipinagtanggol ng City Disaster Risk Reduction and Management Department ang kumalat na pambabatikos sa social media laban sa sinasabing mabagal na pagresponde ng mga barangay responder sa nangyaring pagkalunod ng dalawang dalagita sa Iponan River.

Ipinahayag ni CDRRMD Head Nick Jabagat na agad na inilapat ang river reading at proper protocol sa pag-rescue sa lugar upang matiyak din ang kaligtasan ng mga rescuer batay sa bilis ng agos ng ilog.

Ipinaliwanag ng opisyal na may mga technicalities at search parameters na kinakailangang sundin lalo na sa mga ilog na mabilis magbago ang lalim at lakas ng tubig.

Kaugnay nito, ipinaalala ni Jabagat sa publiko lalo na sa mga non-swimmer na iwasan ang paglangoy sa mga delikado at malakas na agos ng ilog.