CAGAYAN DE ORO CITY – Ikagagalak ng pamilya Dormitorio bilang maagang pamasko kung makitaan ng problabe cause ang inihaing kasong mga kriminal laban sa itinurong mga responsable pagkamatay ni late Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na tubong Cagayan de Oro City.
Ito ay mayroong kaugnayan sa sunod-sunod na pagdinig na isinagawa ng panel of prosecutors sa mga kasong inihain ng pamilya laban sa pitong kadete maging military at hospital officials ng PMA na nabigo iligtas sa kapahamakan si Dormitorio noong Setyembre 18, 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Dexter Dormitorio na makailang beses na nila na naduluhan ang preliminary hearings kung saan nagkakita-kita ang kanilang pamilya at ang mga nagsilbing respondent ng kaso.
Inihayag ni Dormitorio na hindi talaga nila maiwasan na manumbalik sa kanilang damdamin at isipan ang sobrang sakit na dinaranas ni Darwin na tiniis ng ilang buwan ang pananakit ng kanyang upperclass men sa loob ng PMA.
Ito ang dahilan na umaasa sila na makuha nila ang pabor na findings ng prosekusyon bilang maaga na pamasko sa kanilang pamilya na naghahanap ng hustisya para kay Darwin.
Kinasuhan ng hazing, murder at anti- torture act violation sina PMA Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena and Rey David John Volante, Cadet 2nd Class Christian Zacarias at Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao.
Kinasuhan rin ng administratibo sa Professional Regulations Commissions sina tactical officers Maj. Rex Bolo and Capt. Jeffrey Batistiana,Col. Cesar Candelaria, Capt. Apple Apostol at Maj. Ofelia Beloy na namumuno sa PMA Hospitals.
Samantala,inihabol rin ng pamilya ang kasong anti-Hazing Law, anti-Torture Law at dereliction of duty ng Article 208 of the Revised Penal Code sina dating PMA superintendent Lt.Gen. Ronnie Evangelista at commandant of cadets Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.