CAGAYAN DE ORO CITY – Bumuhos ang mga luha ng isang madamdamin na ina na nanawagan na mapadali ang pag-resolba nang pagkasawi ng kanyang anak nito na tinamaan ng ligaw na bala noong kasagsagan nang pagsalubong ng taong 2021 sa Sitio Mirasol,Sabad,Lanao del Norte.
Ito ay matapos nabigla ang pamilya ng biktima na 12 anyos na si Suzzette Manamaparan na sa kabila nang pagsasaya nito kasama ang kanyang mga pinsan ay agad napalitan nang pagdadalamhati dahil tumama sa ulo ang bala ng kalibre 45 na baril na sanhi ng agaran nito na pagkasawi.
Inihayag ng Gng Emilyn Manamparan na bago mangyari ang indiscriminate firing na tumama sa ulo ng anak ay marami ng mga inosente na tanong biktima na tila mayroong pinatutungkulan.
Sinabi ni Manamparan na ang lupit naman umano ng panahon na mismo pa sa selebrasyon ng bagong taon ay nangyari ito sa kanilang pamilya na mawala ang mahal nila na anak dahil lamang sa iresponsableng tao na nagpaputok ng baril na tumama anak nito.
Ito ang dahilan na umapela ang pamilya sa PNP na maayos na imbestigahan ang kaso upang matukoy ang totoo na salarin para managot sa nalabag na batas.
Una nang inihayag ng Police Regional Office 10 na mayroon na silang isinailalim sa paraffin tests na mga kapitbahay ng biktima na maaring may koneksyon sa pangyayari noong Enero 1,2021.