CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng pamilya ng ambush survivor na si Lumbaca-Unayan,Lanao del Sur Somerado Guro na magsasampa umano sila ng mga kasong kriminal laban sa mga salarin na nagtambang nito na ikinasawi ng kanyang maybahay sa Zone 2,Barangay Iponan ng Cagayan de Oro City.
Ginawa ni Atty Ismael Guro,kapatid ng alkalde ang pahayag kaugnay sa matagumpay na operasyon nito matapos tinamaan ng mga bala mula sa kalibre 45 na baril nang ma-ambush habang nakasakay ng pribadong sasakyan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Guro na politika ang pinakamabigat nila na dahilan kung bakit tinangka patayin ang kanyang kapatid sapagkat wala itong anumang nakaaway o nakaalitan ng mga personalidad.
Inihayag ng abogado na malayo rin ang anggulo ng ‘rido’ o bangayan ng mga malalaking angkan sa Lanao Sur dahil wala silang mga kaaway na mga pamilya.
Kung maalala,namatay ang maybahay ni Guro na si Rohaifa Guro nang madamay at natamaan ng maraming bala matapos tinapatan ng motorcycle in tandem suspects ang sasakyan ng mga biktima.
Una rito,binuo na ang Special Investigation Task Force Guro upang mapadali ang pagtukoy ng mga salarin at maisampa ang murder at double frustrated murder laban sa mga salarin sa piskalya ng lungsod.