CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinalungkot ng pamilya Dormitorio ang pagka-promote ng kontrobersyal na isa sa military officials na nasangkot pagkamatay ng kadete ng Philippine Military Army na si late Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa Baguio City noong Setyembre 18, 2019.

Ito ay matapos itinalaga bilang bagong upo na commander sa Southern Luzon Command ng AFP si Maj Gen Bortolome Bacarro na kapalit sa magre-retiro na si Lt Gen Antonio Parlade sa Hulyo 26,2021.

Sa ipinaabot na mensahe ni Dexter Dormitorio sa Bombo Radyo,nakakalungkot umano mapakinggan na promoted na ang nabanggit na opisyal at itinalaga pa ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang commander sa SolCom.

Inihayag ni Dormitorio na ang pagka-promote ni Bacarro na awardee ng Medal of Valor ay patunay na bina-balewala lamang ang kanyang seryosong atraso at kapalpakan bilang commandant noon sa PMA nang masawi ang kanyang kapatid dahil sa hazing.

Samantala,sinabi naman ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro 2nd District Rep.Rufus Rodriguez na hindi pa ligtas si Bacarro ng kanyang pananagutan sa nanyari kay Darwin.

Inihayag ni Rodriguez na hindi muna karapadapat na i-angat ang ranggo ng heneral at italaga sa bagong katungkulan habang wala pang pinal na resolusyon ang Department of Justice sa hiningi na case review ng pamilya Dormitorio.

Kinontra rin ng kongresista ang naging pahayag ni Defense Sec.Delfin Lorenzana na wala nang balakid sa bagong trabaho ng heneral dahil ‘cleared’ na umano ito sa Dormitorio hazing case.Bombo CDO