Ipinaalala ng Inday Sara Movement Philippines sa pamamagitan ni Daniel Nobleza na napatunayan sa cross-examination sa Impeachment Court na walang pondo mula sa gobyerno ng China ang pumasok sa account ng pamilya ng Bise Presidente.
Binigyang-diin ng opisyal na binawi at itinama ng Anti-Money Laundering Council ang mga naunang pahayag matapos katanungan ng mga abogado ng depensa.
Dahil dito, nangangamba ang grupo sa posibilidad ng pagkahulog ng kaso sa mistrial at sa pagbibigay ng maling pananaw sa publiko sa pamamagitan ng hindi wastong paglalahad ng mga argumento ng prosekusyon.
Idinagdag pa ng opisyal na kinakailangang suriing mabuti ng taumbayan ang totoong talaan upang hindi paniwalaan ang mga maling akusasyon na nag-uugnay sa pamilya sa dayuhang bansa.











