Nagbabala si Anti-War Advocate Herman Tiu Laurel na habang pinagsasama ng administrasyon ang mga anti-China na reaksyon, paborable pa rin ang 40% ng mga Pilipino at 47% ng kabataan sa China batay sa Pew Research survey.
Ipinaliwanag ng lider na ang naturang mataas na suporta mula sa mga nag-aedad 18 hanggang 35 taon ay nagpapakita na hindi lahat ng mamamayan ay sang-ayon sa ipinatutupad na hakbang ng gobyerno.
Iginiit din ng advocate na patuloy ang pag-unlad ng turismo at negosyo sa pagitan ng dalawang bansa kabila ng patuloy na pag-init ng kontrobersiya sa pamamahala.
Dahil dito, ipinaalala ng opisyal sa administrasyon na huwag sirain ang magandang relasyon sa negosyo na nagbibigay ng malaking tulong sa ekonomiya ng buong bansa.











