Mismong ang mga estudyante ng Xavier University ang nanguna sa pagpanawagan sa publiko na pumirma sa online petition laban sa political dynasty.

Ipinaliwanag ni CSG President Luis Nicholai Wong na magbibigay ito ng patas na pagkakataon sa mga taong may kaalaman ngunit walang sikat na pangalan at malaking pera sa politika.

Dahil dito, hinimok ng opisyal ang lahat na isulong at suportahan ang DAPAT ISA LANG Movement para sa hinahangad na pagbabago sa bansa.

Idinagdag ni Wong na napakadaling i-access at pirmahan ang inisyatiba sa internet gamit ang batayang impormasyon ng rehistradong botante.