Binatikos ni Ateneo de Davao University Professor Christopher Ryan Maboloc ang ilang Senator-Judges na nagpakita ng panggigipit at pang-iinsulto sa mga testigo sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Iginiit ni Maboloc na hindi kinakailangang insultuhin ang mga testigo ng depensa sa mga isyung walang kaugnayan sa kaso tulad ng kanilang suweldo at pagbiyahe sa labas ng bansa.
Ayon sa propesor, ang naturang takbo ng pagtatanong ng mga hurado ay lumalabas na irrelevant o walang koneksyon at nagpapakita ng kakulangan sa propesyonalismo at pre-judgment sa paglilitis.
Kaya naman, nanawagan si Maboloc na ibalik ang katarungan sa pamamagitan ng obhetibong pagtimbang sa ebidensya at paggalang sa due process imbes na gamitin ang posisyon para sa pang-iinsulto.











