CAGAYAN DE ORO CITY – Binaril-patay na naman ang pulis na naka-floating status mula sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office 10 ng riding in tandem sa Baliangao Compound,Brgy Camaman-an nitong syudad kagabi.
Kinilala ni Police Senir Master Sgt Apollo Neil Last Ace de las Alas, officer-in-charge ng Cogon Police Station ang pinaslang na si Cpl El John Capawa, 30 anyos,may asawa na residente ng Upper Ramonal Village sa nasabing barangay.
Ayon sa mga nakasaksi, apat na beses pinaputukan ang katawan ni Capawa ng naka-motor na mga suspek na naging dahilan sa kanyang aragang pagkamatay.
Napag-alaman ng Bombo News Team na naka floating status si Capawa dahil sa kanyang kinakaharap na kasong administratibo.
Kung matatandaan, noong Disyembre 2020, pinaslang rin si Patrolman Roy Aguas ng riding in tandem sa mismong bisinidad ng PRO-10 headquarters ng Brgy Lapasan nitong syudad.