Pinawi ng Geo-Political Analyst na si Lucanus Azrael Igot ang pangamba ng publiko na mawawalan ng trabaho ang mga Pilipino dahil sa pagpapalawak ng artificial intelligence at robotics sa ilalim ng proyektong Pax Silica.
Nilinaw ni Igot na kahit gumamit ng modernong makinarya ang naturang industriya, kinakailangan pa rin ang pagbabantay at pamamahala ng mga tao lalo na kung magkakaproblema ang sistema.
Binigyang-diin ng analista na tulad ng naranasan sa Silicon Valley, mas malaki ang pagkakataon na makapagbigay ito ng maraming trabaho sa taumbayan imbes na umasa lamang sa mga robot.
Idinagdag ng eksperto na tinatayang aabot pa sa taong 2058 bago lubos na mapakinabangan ang naturang proyekto sa New Clark City kaya mahaba pa ang panahon sa paghahanda.











