CAGAYAN DE ORO CITY – Mababasura lamang ang inihaing kasong conspiracy to commit sedition ng Department of Justice (DoJ) laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV at 10 na iba.

Ito ay matapos una nang ipinag-utos ng korte na arestuhin si Trillanes kasama ang ilang taga-opposition na isinangkot na nasa likod ng ‘Ang Totoong Nasa Narcolists’ videos na ibinulgar ni Peter Jomel Advincula alyas ‘Bikoy’ laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni dating Magdalo partylist Rep Gary Alejano na nabasura na nga ang main case na sedition ay ipinagpumilit pa ng mga alyado ni Duterte ang mahina na kaso upang ipakita lamang na dominante ito kumpara sa mga kritiko ng gobyerno.

Inihayag ni Alejano na tila nagpapasikat at nagpapansin lamang ang gobyerno sa publiko para gipitin ang mga tao na komontra sa mga palisya at patakaran ng Duterte administration.

Si ex- Magdalo partylist Rep Gary Alejano

Una nang inihayag sa Bombo Radyo ni Trillanes na agad itong maghahain ng piyansa para pigilan maaresto at kaharapin ang wala umanong kuwenta na kaso na inihain laban sa kanya.