Ipinanawagan ng Bagong Alyansang Makabayan ang isang tunay na independent foreign policy at ang direktang pagtatanggol ng mamamayan para sa national sovereignty ng bansa.

Ibinunyag ni Rauf Sissay, kinatawan ng BAYAN, na bukod sa kontrobersyal na Pax Silica, pinalalakas din ng Estados Unidos ang pagpapalawak ng kanilang militar sa Mindanao sa pamamagitan ng pinaplanong counter-terrorism hub sa Pagadian City at military oil depot sa Davao Region.

Ipinaliwanag ng grupo na ang naturang presensya ng US forces sa rehiyon ang mas magpapalala sa teritoryal na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina.

Dahil dito, ipinahayag ng grupo na kinakailangang isulong ng gobyerno ang kalayaan at soberanya ng bansa imbes na maging sunod-sunuran sa interes ng mga imperyalistang pwersa.